^

Bansa

1 batalyon ng Marines idedeploy sa Palawan

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Isang batalyon o kabuuang 500 sundalo ng Phi­lippine Marines ang karagdagang idedeploy sa Pala­wan bilang bahagi ng pagpapalakas ng seguridad kaugnay ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang Spratly Islands.

Ayon kay Lt. Col. Neil Estrella, spokesman ng AFP Western Command, kasalukuyan ng isinasapinal ang napipintong pagdedeploy ng karagdagang puwersa ng Marines sa Palawan upang tumulong sa naka­deploy ritong dalawang batalyon.

Kapag nakumpleto na ang deployment ay mag­la­lagay ng karagdagang artillery at armor support units sa lalawigan.

Magkakaroon din ng base ng Marine Brigade sa Puerto Princesa City. Ang isang brigade ay binubuo ng 1,500 hanggang 2,500 tauhan.

Kada isang brigade ay may mga apat na tangke o Armored Personnel Carrier at mga transportasyon at malalakas na kalibre ng armas.

ARMORED PERSONNEL CARRIER

AYON

ISANG

KADA

KAPAG

MARINE BRIGADE

NEIL ESTRELLA

PUERTO PRINCESA CITY

SPRATLY ISLANDS

WESTERN COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with