^

Bansa

Lacson at de Lima bati na

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matapos ang matin­ding palitan ng maaanghang na salita, kinumpirma kahapon ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na nagbati na sila ni Justice Secretary Leila de Lima.

Ikinuwento ni Lacson na siya mismo ang gumawa ng paraan para makausap si de Lima at mabati ito noong kaa­rawan niya.

“Gusto ko rin ipaalam sa inyo na I already made a peace offering with Sec. de Lima, nalaman ko kaa­rawan niya noon, pinatanong ko ang kanyang cell number at greet ko sa kanya, paraphrase ko na lang, if this is my way of offering peace to you, sabi ko happy birthday,” sabi ni Lacson.

Nagpahayag naman umano ng pagkagulat si de Lima at nagpasalamat sa kaniyang pagbati.

“Siya (de Lima) naman nag-reply, sabi niya what a pleasant surprise at nagpasalamat din siya,” ani Lacson.

Naiintindihan naman umano ng senador ang pagiging passionate ni de Lima sa pagtupad sa kaniyang trabaho at sa paggigiit ng sa tingin nito ay tama.

Matatandaan na na­ging matindi ang palitan ng mga maaanghang na salita sa pagitan nina Lacson at de Lima ng halos isang taon matapos magtago sa batas ang senador dahil sa pagkakasangkot ng kaniyang pangalan sa Dacer-Corbito double murder case.

Sinabi pa ni Lacson na posibleng siya pa ang magrekomenda ng kumpirmasyon ni de Lima sa sandaling isalang ito sa Commission on Appointments.

vuukle comment

DACER-CORBITO

IKINUWENTO

JUSTICE SECRETARY LEILA

LACSON

LIMA

MATAPOS

MATATANDAAN

NAGPAHAYAG

NAIINTINDIHAN

PANFILO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with