^

Bansa

P10 pasahe sa jeep hinirit

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pormal nang nagsampa ng petisyon kaha­ pon sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang transport group na Pa­sang Masda at Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) para igiit ang P10.00 pasahe sa jeep sa unang apat na kilometro mula sa kasalukuyang P8.00 minimum fare at dagdag pang 35 sentimo sa suceeding kilometer.

Binigyang diin nina Acto president Efren de Luna at Pasang Masda president Obet Martin, layunin ng fare increase na maibsan ang epekto sa kanila ng kasalukuyang P43.00 na halaga ng diesel kada litro.

Hinikayat din nina de Luna at Martin si LTFRB Chairman Jaime Jacob na ipatupad muna ang 50 centavos provisional increase sa pasahe sa jeep o gawin munang P8.50 ang minimum fare hanggat dinidinig ang kanilang petisyong gawing P10 ang minimum na pasahe.

Una rito, niliwanag na­man ng Piston na hindi naman sila kasali sa nag­pepetisyon na maitaas ang pasahe sa jeep dahilan ang maliliit na manggagawa lamang ang apektado nito at ang mga mag-aaral.

ACTO

ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT ORGANIZATION

BINIGYANG

EFREN

HINIKAYAT

JAIME JACOB

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

OBET MARTIN

PASANG MASDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with