^

Bansa

Bangkay ng Nepalese pilot narekober na

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Narekober na rin kahapon ng umaga ang bangkay ng isa pang piloto na kasamang nasawi ni DILG Secretary Jesse Robredo matapos itong madaanan ng isang bangkang pangisda habang lumulutang sa karagatan ng Ticao Island, San Jacinto, Masbate.

Ayon kay Major Gen. Eduardo del Rosario, Chief ng Task Force Kalihim, ang Nepalese co-pilot na si Kshitiz Chand, 22, ay naispatan ng bangkang M/B Cooperative habang patungo sa Masbate City dakong alas-7:45 ng umaga.

Agad dinala ng mga mangingisda ang bangkay ni Chand sa BRP Hilario Ruiz (PG 378) ng Philippine Navy na positibo namang kinilala ng kanyang ama at kapatid na nagtungo sa Masbate.

Dahil dito, ayon kay Defense Sec. Voltaire Gazmin ay tapos na ang misyon ng Task Force Kalihim ma­tapos na maiahon na rin ang wreckage ng bumagsak na eroplano.Pinasalamatan din ni Gazmin ang mga composite elements ng rescue team na aabot sa 400 kabilang ang mga dayuhang volunteer diver na dumagsa sa lugar.

vuukle comment

B COOPERATIVE

DEFENSE SEC

HILARIO RUIZ

KSHITIZ CHAND

MAJOR GEN

MASBATE

MASBATE CITY

PHILIPPINE NAVY

SAN JACINTO

TASK FORCE KALIHIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with