^

Bansa

Sa mabagal na pag-usad ng FOI bill, House Information Committee, sinisi

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Sinisisi ng mga may akda ng Freedom of Information (FOI) bill ang chairman ng House Information Committee dahil sa ‘inuupuan’ umano nito ang nasabing panukala kaya’t nauudlot ang pag-usad nito sa plenaryo.

Ayon kay House Deputy Speaker Erin Tañada at Akbayan Rep. Walden Bello, apat na taon nang isinusulong ang FOI bill sa Kongreso at long overdue na ito.

Giit ng mga mambabatas, hinog na para sa botohan ang nasabing panukalang batas sapagkat na-trabaho na ng technical working groups ang consolidated version ng FOI bill kung saan nakapaloob pati ang posisyon ng Malacañang.

Matindi din ang pagkadismaya ni Tañada dahil mula noong Enero, isang beses lamang nagdaos ng hearing si Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng House Information Committee tungkol sa panukalang batas.

AKBAYAN REP

AYON

BEN EVARDONE

EASTERN SAMAR REP

ENERO

FREEDOM OF INFORMATION

GIIT

HOUSE DEPUTY SPEAKER ERIN TA

HOUSE INFORMATION COMMITTEE

WALDEN BELLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with