^

Bansa

Korean investor umapela kay PNoy

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umapela kay Pangulong Aquino ang isang Korean investor na mamagitan at paimbestigahan ang umano’y ‘predatory business practices’ ng isang global estate na umano’y lumabag sa kanilang contractual obligations matapos nilang makumpleto ang 72 room units condotel noong Hunyo 11 na umaabot sa P120 milyon sa isang resort sa Boracay island.

Ayon kay Korean architect Joohan Lee, chairman ng J Plus firm, ang naturang global estate firm ay lu-mabag sa kanilang joint venture agreement (JVA)  na isa umanong hadlang sa kampanya ng pamahalaan na makahikayat ng mga  foreign investors.

Batay sa complaint ng J Plus, namuhunan sila ng P120 milyon para sa pagpapagawa ng Villa Bea­triz condotel na hindi maibenta dahil sa umano’y pagtanggi ng naturang global firm na makabitan ang mga ito ng kuryente at tubig samantalang pinapayagan naman umano sa ilalim ng joint venture agreement (JVA).

Tumatanggi din umano ang kumpanya na kilalanin ang mga condotel owners ng Villa Beatriz bilang miyembro na malinaw na paglabag sa kanilang contractual obligations. Nabatid na ginawa ng J Plus ang lahat ng paraan upang matapos at maayos ang usapin subalit wala umanong ginagawang aksyon ang global firm

Lumilitaw na patuloy ang pagbebenta umano ng kumpanya ng unexisting units at wala raw HLURB permit.

AYON

BATAY

BORACAY

HUNYO

J PLUS

JOOHAN LEE

PANGULONG AQUINO

VILLA BEA

VILLA BEATRIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with