^

Bansa

2 Japanese huli sa 4-M Yen ng BoC

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Dalawang Japanese national ang dinakip ng operatiba ng Bureau of Customs (BoC) matapos umanong magpuslit ng halagang 4 million yen  sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City kamakalawa.

Sa report na isinumite ni Byron Carbonell, chief ng Customs  Legal and Investigation Division kay BoC Commissioner Ruffy Biazon, kinilala ang mga suspek na nadakip na sina Jimbo Katsuo, 72 at Shitara Sake, 70.

Base sa report, naganap ang insidente dakong ala-1:20 ng hapon sa NAIA Terminal 1, nabatid na galing ng bansang Japan ang dalawa at habang nagsasagawa ng inspection ang mga kagawad ng Custom sa nabanggit na paliparan, nakita sa x-ray machine ang napakara­ming pera.

Dito na nasakote sina Katsuo at Shitara hanggang sa inaresto ito ni Carbonell at nang berapikahin ang dala nitong pera ay nagkakahalaga ng 4 million yen.

Sa ngayon ay sumasailalim sa interogasyon ang mga dayuhang suspek at pinag-aaralan na kung anong kaukulang kaso ang isasampa sa mga ito.

BUREAU OF CUSTOMS

BYRON CARBONELL

CARBONELL

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DALAWANG JAPANESE

JIMBO KATSUO

LEGAL AND INVESTIGATION DIVISION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY

SHITARA SAKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with