^

Bansa

2 OWWA officers na pabaya sa OFWs sibak!

- Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dahil sa reklamo ng mga OFW, dalawang opis­yal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang sinibak sa puwesto at ni-recall sa Saudi Arabia kahapon.

Ayon kay Migrante Middle East regional coordi­nator John Leonard Monterona, nakatanggap na siya ng kasagutan sa kanilang kahilingan kay OWWA chief Carmelita Dimzon na i-recall o pabalikin sa kanilang main office ang mga OWWA welfare officers na sina Allen ‘Jack’ Arroyo at Anuar Ampang, kapwa nakatalaga sa Saudi Arabia.

Ang pag-recall kina Arroyo at Ampang ay base sa mga reklamo na tinanggap ng OWWA sa kanilang kapabayaan sa tungkulin sa pagbibigay serbisyo sa mga nagigipit at naabusong OFWs.

Sa utos ni Dimzon, inatasan nito sina Arroyo at Ampang na agad na umuwi sa Manila at harapin ang isinasagawang imbestigasyon ng Administrative Complaints Committee (ACC) ng OWWA.

Magugunita na noong Hulyo 18, 2012, nagpadala ang Migrante-ME ng email sa DoLE at OWWA na hu­mihiling na i-recall at suspindihin ang dalawang nabanggit na welfare officers bunsod sa nilagdaang  complaint affidavit ng OFW na si Joel Lacanilao laban kay Arroyo matapos na kikilan umano siya ng hala­gang 7,000 Saudi riyals kapalit ng pangako na agarang repatriation na hindi nasunod at nangyari.

Noong Hulyo 22, 2012 naman ay inireklamo si Ampang ng OFW na si Ronald D. Detanoy dahil sa hindi pag-aasikaso sa kanya habang nasa labor office at mas inuna pa umano nito ang paglalaro ng online Solitaire game.

ADMINISTRATIVE COMPLAINTS COMMITTEE

ANUAR AMPANG

CARMELITA DIMZON

JOEL LACANILAO

JOHN LEONARD MONTERONA

MIGRANTE MIDDLE EAST

NOONG HULYO

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with