^

Bansa

Pinas 'bigo' sa ASEAN sa Panatag standoff

- Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kinondena ng Pilipinas ang kabiguan ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) sa kauna-unahang pagkakataon na magpalabas ng “joint communique” hinggil sa nagaga­nap na tensyon o bilateral conflict sa pagitan ng mga member countries nito at sa iba pang kalapit na mga bansa sa West Philippine Sea o South China Sea.

Ang “joint communique” ay ang kasunduan o posisyon ng nagkakaisang miyembro ng ASEAN hinggil sa umiinit na standoff o tensyon sa Scarbo­rough o Panatag Shoal (Bajo de Masinloc) kung saan ilang miyembro ng ASEAN ang apektado.

Sa pulong balitaan sa Department of Fo­reign Affairs (DFA) kahapon, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na mahalaga ang maisama sa joint communique ang usapin sa Bajo de Masinloc na magiging daan upang maresolba ang territorial dispute.

Aniya, sinimulang talakayin at pag-usapan nitong Hulyo 9 sa Phnom Penh sa ginanap na 45th ASEAN mi­nisterial meetings ang issue sa Scarborough at ikinairita ng Pilipinas na hindi ito lumutang sa joint communique.

Kamakalawa, ma­ging si US Secretary of State Hillary Clinton ay nanawagan sa mga lider na kasapi ng ASEAN na makiisa sa pagbuo ng “common position” hinggil sa territorial o maritime dispute sa West Philippine Sea upang maresolba ang nasa­bing usapin.

Sinabi ni del Rosario na sa katatapos na special meeting para sa draft Joint Communique, maraming ASEAN Member-States at ASEAN Secretariat ang sumuporta sa posisyon ng Pilipinas na ang isyu sa Scarbo­rough na napag-usapan sa Ministerial meeting ay dapat na mag-reflect sa Joint Communique.

Gayunman, ang Chair umano ay mariing tumutol na banggitin ang anumang issue ukol sa Scarborough Shoal sa Joint Communique at kahapon ay inianunsyo na ang Joint communique ay “cannot be issued” o hindi ipapalabas.  

ASEAN

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATION

BAJO

COMMUNIQUE

DEPARTMENT OF FO

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

JOINT

JOINT COMMUNIQUE

PILIPINAS

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with