^

Bansa

Libu-libo dagsa kay Dolphy

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ipinakita ng libu-libong tagahanga ang pagma­mahal sa yumaong Hari ng Komedya sa pagdagsa sa “public viewing” ng mga labi ni Rodolfo Vera “Dolphy” Quizon, Sr. sa Heritage Park sa Taguig City kahapon.

Dakong alas-5 pa lang ng madaling araw ay pu­mila na ang mga tagahanga ni Dolphy kabilang ang ilang mga nakakatanda na naka­subaybay ng karera nito sa showbiz mula nang mag-umpisa sa teatro at madiskubre ni Fernando Poe, Sr. 

Dakong alas-8 na ng umaga nang payagang isa-isang makapasok ang mga ito.

Pumatok naman ang pagtitinda ng mga t-shirt at iba pang memorabilia na naka-imprenta ang la­rawan ni Dolphy at mga katagang “We Love You Dolphy” sa labas ng Heritage Park.

Naging mabilis naman at organisado ang pagpasok ng mga tagahanga na binigyan lamang ng tig-5 segundo upang ma­silayan ang labi ni Dolphy.

Nagtapos ang public viewing dakong alas-3 ng hapon kung saan hindi na nagpumilit ang mga tagahanga na hindi umabot sa oras.

Kabilang naman sa mga kilalang persona­lidad na nagtungo kahapon sa burol sina dating first lady at Ilocos Rep. Imelda Marcos, Senator Lito Lapid, Director Eddie Romeo at mga opisyales ng Movies Television Review and Classification Board (MTRCB).

Magiging araw-araw ang public viewing mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon hanggang Sabado.

vuukle comment

DAKONG

DIRECTOR EDDIE ROMEO

DOLPHY

FERNANDO POE

HERITAGE PARK

ILOCOS REP

IMELDA MARCOS

MOVIES TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

RODOLFO VERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with