^

Bansa

Bagong protesta ng Phl vs China inihain!

- Ellen Fernando - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dahil sa sunud-sunod na panghihimasok sa teritoryo ng bansa, pormal nang naghain ang Pilipinas ng protesta laban sa China hinggil sa pagtatayo ng Sansha City sa pinag-aagawang Kalayaan Group of Islands o Spratlys sa West Philippine Sea.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, ibinigay na ng Pilipinas sa China sa pamamagitan ni Chinese Ambassador to Manila Ma Keqing ang isang “Note Verbale” na naglalaman ng diplomatic protest o pagkondena ng Pilipinas sa naging hakbang ng China sa paglalagay ng isang siyudad (Sansha City) ng China sa Spratlys na nasa teritoryo ng bansa.

Ayon sa DFA, ang pagtatayo ng China ng Sansha City sa Spratlys ay lumalabag sa isinasaad ng De­claration on the Conduct of Parties in the South China Sea.

Magugunita na inianunsyo ng Chinese Ministry of Civil Affairs ang pagtatayo ng China ng Sansha City upang mapatatag umano ang paghawak nila at pagbibigay proteksyon sa inaangking Paracel o Xisha, Zhongsha at Nansha islands sa Kalayaan Islands Group. Ilalagay ang Sansha City saYongxing island sa may main area ng Paracel islands sa KIG na sakop ng Palawan.

Bukod sa China, ina­angkin din ng Brunei, Vietnam, Taiwan at Malaysia ang Spratly islands.

AYON

CHINA

CHINESE AMBASSADOR

CHINESE MINISTRY OF CIVIL AFFAIRS

CONDUCT OF PARTIES

FOREIGN AFFAIRS

KALAYAAN GROUP OF ISLANDS

PILIPINAS

SANSHA CITY

SPRATLYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with