^

Bansa

Misis iniwan ni mister, nag-suicide

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding depresyon matapos na abandonahin ng kaniyang mister, nag-suicide ang 45-anyos na misis matapos nitong martilyuhin ang sariling ulo bago tumungga ng lason sa bayan ng Altavas, Aklan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nagpakamatay na biktima na si Marivic Alivio ng Brgy. Odiong, Altavas.

Sa pagsisiyasat, basag ang bao ng ulo ng biktima at may mga saksak sa katawan subalit ang higit na tumapos sa kanyang buhay ay ang pesticide na ininom nito.

Sa teorya ng pulisya, isinagawa ng biktima ang pagpapakamatay sa pagitan ng alas-2 hanggang alas-5 ng madaling-araw kung saan natagpuan ang bangkay nito bandang alas-7 ng umaga sa loob ng kanilang tahanan.

Lumalabas sa imbestigasyon na umalis ang mister ni Alivio at nagtungo sa Maynila upang maghanap ng trabaho ilang buwan na ang nakalipas subalit simula noon ay hindi na ito nakipagkomunikasyon sa biktima.

Palaging tulala ang biktima na hinihintay na mag-text man lamang ang kaniyang mister hanggang sa tuluyan na itong panawan ng pag-asa hanggang sa kusa itong nagpasalubong kay kamatayan.

vuukle comment

AKLAN

ALIVIO

ALTAVAS

BRGY

DAHIL

KINILALA

LUMALABAS

MARIVIC ALIVIO

MAYNILA

ODIONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with