^

Bansa

'Butchoy' nasa Pinas na

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakapasok na ng Phi­lippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Butchoy.

Sa latest monitoring ng Philippine Atmosphe­ric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), taglay ni Butchoy ang lakas ng hanging 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 100 kilometro bawat oras.

Patuloy na tinatahak nito ang direksyon na pag­kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 24 kilometro bawat oras.

Gayunman, nilinaw ni Robert Sawi, weather forecaster, na ang mga pag-ulang nararanasan sa malaking bahagi ng bansa ay dulot ng tina­tawag na monsoon trough at shallow low pressure area sa silangang bahagi ng Northern Mindanao.

Kung hindi magba­bago ang direksyon at lakas ng bagyo, inaasahan umano na magiging typhoon category ito habang tinatahak ang hilagang-kanluran ng Philippine Sea.

Ngayong Biyernes, si Butchoy ay inaasa­ hang nasa 500 kilometro ng silangan Virac Catan­ duanes.

AREA OF RESPONSIBILITY

BUTCHOY

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

NGAYONG BIYERNES

NORTHERN MINDANAO

PHILIPPINE ATMOSPHE

PHILIPPINE SEA

ROBERT SAWI

SHY

VIRAC CATAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with