^

Bansa

Nurse, 10 pa nominado sa CJ post

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang nurse ang kabilang sa 11 ‘outsiders’ na nominado para sa posis­yong punong mahistrado ng Korte Suprema.

Pawang mga ninomina ang 10 habang ang nurse na si Jocelyn Esquivel ay nagsumite ng kanyang aplikasyon sa Judicial and Bar Council (JBC) noong Hunyo 5.

Samantala, dalawa na ang sumang-ayon sa kanilang nominasyon at ito ay sina Atty. Katrina Legarda na inindorso ni Prof. Myrna Feliciano at former UP College of Law Dean Raul Pangalanan na inindorso ni UP Dean Danilo Concepcion.

Sina BIR Commisioner Kim Henares, Solgen Francis Jardeleza, Justice Sec. Leila de Lima at da­ting Ateneo Law Dean Cesar Villanueva ay hindi pa tinatanggap ang kanilang mga nominasyon.

Ilan pa sa mga pa­ngalan na nominado sa JBC ay sina Laguna City Prosecutor Marianito Sasondoncillo na inindorso ng kanyang anak na si Mark; Manuel Siayngco, isang retired Judge; Atty. Rafael Morales, isang professor na inindorso ni Florentino Feliciano; Atty. Nepomunceno Aparis, isang abogado at da­ting city councilor at vice ma­yor na inindorso ng isang concerned citizen.

Ayon sa source, inaasahang madadagdagan pa ang mano-nominate sa JBC bago matapos ang deadline sa pagsusumite ng nominasyon at aplikasyon sa June 18, 2012.

ATENEO LAW DEAN CESAR VILLANUEVA

COLLEGE OF LAW DEAN RAUL PANGALANAN

COMMISIONER KIM HENARES

DEAN DANILO CONCEPCION

FLORENTINO FELICIANO

JOCELYN ESQUIVEL

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

JUSTICE SEC

KATRINA LEGARDA

KORTE SUPREMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with