^

Bansa

12-anyos 'di na lusot sa krimen

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines – Aprubado na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala upang maparusahan ang mga edad 12 anyos na sangkot sa krimen gaya ng pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw at pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Sa ilalim ng House bill 6052, ibababa na sa 12-anyos ang mga taong maaaring maparusahan mula sa kasalukuyang 15-taon na nakasaad sa Juvenile Justice System.

Ibibigay naman sa bata ang lahat ng karapatan upang maipagtanggol niya ang kanyang sarili.

Hindi naman isasama sa regular na kulungan ang isang youth offender na napatunayang guilty ng korte kundi ilalagak siya sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development.

Pero kung makikita ng DSWD na hindi magbabago ang menor de edad ay ibabalik nila ito sa korte upang mapagdusahan niya ang parusa pagsapit ng kanyang edad na 18 sa regular na kulungan.

Maraming kongresista ang nababahala dahil sa pagdami ng mga youth offenders na ginagamit umano o nakikipagsabwatan sa mga kriminal dahil sa ilalim ng kasalukuyang batas ay hindi sila makukulong.

APRUBADO

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EDAD

IBIBIGAY

JUVENILE JUSTICE SYSTEM

KAMARA

MARAMING

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with