^

Bansa

Corona 'di puwedeng bastusin, insultuhin

Nina - Malou Escudero/Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Senate President Juan Ponce Enrile na hindi iinsultuhin at babastusin ng mga senator-judges si Chief Justice Renato Corona sa sanda­ling humarap ito sa impeachment court sa Martes.

Ipinaliwanag ni Enrile na walang senador ang maaaring mang-insulto o mang-harass kay Corona dahil nakasaad ito sa ka­nilang rules.

Inihayag naman ni Sen. Ping Lacson na su­mang-ayon ang mga ka­samahan nilang senador na igagalang si Corona kapag tumestigo na ito.

“Syempre very res­pect­ful kami sa stature. Walang magtataas ng boses, walang mambastos, walang mang-iinsulto,” pa­hayag ni Lacson.

Ipinaalala pa ni Lacson na maaari namang magtanong ang mga se­nator-judges sa maayos na paraan na hindi nagtataas ng boses.

Inaasahan na rin umanong gigisahin si Corona ng mga senator-judges tungkol sa laman ng dollar account nito.

Nagbabala rin ang ilang senador kay Corona sa paggamit nito ng kaniyang “right against self-incrimination” dahil mahalaga umanong lu­mabas ang katotohanan.

Samantala, nakapili na ang prosecution panel ng dalawa sa kanilang mga private lawyers na posibleng magsagawa ng cross examination kay Corona sa pagharap nito sa Martes.

Ayon kay Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, ang tumatayong impeachment manager, mismong ang mga miyem­bro ng 11-man panel ang pumili kina Attys. Mario Bautista at Arthur Lim.

Paliwanag ni Abaya, ang dalawang abugado ay mayroong sapat na ka­sanayan sa pagsasa­gawa ng cross examinations.

Si Bautista ay kila­lang managing partner ng Poblador Bautista and Reyes Law firm na gumanap rin ng mahalagang papel sa hindi natapos na impeachment trial laban kay dating pangulong Joseph Estrada ma­ tapos na iprisinta ang bank executive na si Clarissa Ocampo.

Si Lim naman ay dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at nakilala rin matapos itong pagalitan ni Senator-Judge Miriam Santiago dahil sa pagtatakip ng tenga habang nagsasalita ang senadora.

ARTHUR LIM

CAVITE REP

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

CLARISSA OCAMPO

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

JOSEPH EMILIO ABAYA

JOSEPH ESTRADA

LACSON

MARIO BAUTISTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with