^

Bansa

3 OFWs mula UAE nakauwi dahil sa Villar Foundation

- Nina Butch Quejada at Rudy Santos -

MANILA, Philippines - Natapos din ang pag­hihirap ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) mula United Arab Emi­rates (UAE) mula sa pang-aabuso ng kanilang mga amo makaraang saklolohan ng Villar Foundation na makauwi ng Pilipinas kahapon.

Kinilala ang tatlong OFW na sina Romely Daguplo, Joanalin Pascua, at Jacquelyn Costuna. Pinangunahan ni Villar Foundation Managing Director Cynthia Villar ang pagsalubong sa mga ito.

 “Kami po ay lubos na masaya sapagkat may kakayahan kaming makatulong sa ating mga kababa­yan lalo na ang mga OFW’s na mayroong dinadanas na iba’t ibang problema sa ibang bansa. Subalit hindi naman namin kayang tulungan ang lahat kaya ako ay nananawagan sa mga pribadong kumpanya at mga tao lalo na sa pamahalaan na magtulu­ngan kami sa pagsaklolo sa ating mga OFW’s,” ani Villar.

Ayon kay Villar, bukod sa pagpapauwi sa mga OFW’s ay pinagkakalooban din nila ng ibang tulong ang mga ito maging ang kanilang mga kamag-anak kabilang na ang livelihood trai­nings para sa kabuhayan, medical assistance at ang pagkakaroon ng OFW summit sa pakikipagtulungan ng Go Negosyo kada taon upang sa ganoon ay mahikayat silang magnegosyo.

Ang tatlo ay sakay ng flight GF154 via Gulf Airlines nang dumating sa NAIA terminal 1 at bakas ang kaligayahan sa kanilang mukha na muling makakapiling ang kanilang pamilya at mahal sa buhay.

Si Romelyn Daguplo, 31, mula Bukidnon nagtrabaho bilang domestic helper sa Dubai ay umalis ng bansa noong Marso 2011 na hindi batid na siya ay nagdadalang tao na pala at dahil sa takot sa batas ng mga Arabo ukol sa pagbubuntis ng isang babae ng walang asawa ay nagawa niyang tumakas sa kanyang amo na nagresulta upang humi­ngi ng tulong sa Sagip-OFW ang kanyang ina na isa ring kasambahay.

Si Joanalin Pascua ay hindi pinapasuweldo ng tama, sobrang trabaho, at sinasabing inabuso pa na naging dahilan upang humingi ng saklolo sa Philippine Overseas Labor Office (POLO-OWWA) sa Dubai.

Si Jacquelyn Costuna, 24 at naninirahan sa Manila ay umalis ng bansa patu­ngong Dubai noong Oktubre 2011 at tumakas sa kanyang amo matapos na dumanas ng pagmamaltrato at inabuso sa pamamagitan ng mga salita at nanuluyan din sa POLO-OWWA Dubai hanggang sa makabalik ng bansa.  

DUBAI

GO NEGOSYO

GULF AIRLINES

JACQUELYN COSTUNA

JOANALIN PASCUA

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PHILIPPINE OVERSEAS LABOR OFFICE

ROMELY DAGUPLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with