^

Bansa

Failure of election posible sa PCOS

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang mahistrado ng Supreme Court ang nagbabala sa posibilidad na magkaroon ng failure of election  kapag hindi agad naresolba ang usapin ng kinukwestyong legalidad sa pagbili ng 82,000 precinct count optical scan (PCOS) machines ng Comelec sa Smartmatic.

Sa ginanap na oral argument kahapon hinggil sa petisyon na mapawalang bisa ang kontrata sa pagitan ng Comelec at Smartmatic kaugnay sa pagbili ng mga pcos machine, sinabi ni Justice Lourdes Sereno na napaka kritikal ng isyu dahil ang pinag-uusapan na rito ay ang halalan sa susunod na taon.

Kaugnay nito, iginiit ng isa sa petitioner na si Atty. Abraham Espejo na hindi naman nila layong ibalam ang preparasyon sa halalan kundi nais lang nila na nasa legal na proseso ang lahat.

Sinabi pa ni Espejo na sakaling mabasura ang kontrata ng Smartmatic at Comelec ay may sapat pa namang panahon ang Comelec para magsagawa ng bidding sa sistemang gagamitin sa 2013 election.

Kasabay nito, inisa-isa ni Espejo ang mga negatibong epekto kapag natuloy ang pagbili sa mga PCOS machine.

Isa na rito ay ang posibilidad na dahil 2nd hand na ay kalahati ng 82,000 PCOS machine ang mag-malfunction o may problema na pala ang hard disk.

Agad namang sinermunan ni Justice Diosdado Peralta si Espejo dahil sa umano’y pawang ispekulasyon lamang ang sinasabi nito. Pinayuhan pa ni Peralta si Espejo na ‘wag pangunahan ang mga pangyayari.

ABRAHAM ESPEJO

COMELEC

ESPEJO

ISA

ISANG

JUSTICE DIOSDADO PERALTA

JUSTICE LOURDES SERENO

KASABAY

SMARTMATIC

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with