^

Bansa

Duterte ‘di dadalo sa November 2 ICC status conference

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Duterte ‘di dadalo sa November 2 ICC status conference
Former Philippine President Rodrigo Duterte appears at the International Criminal Court (ICC) in The Hague on September 16, 2026, during a preparatory session as he faces charges over his “war on drugs,” which killed thousands.
AFP / Pool / Piroschka Van De Wouw

MANILA, Philippines — Ini-waive ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang karapatang personal na dumalo sa ika-limang Status Conference ng International Criminal Court (ICC) na nakatakda sa Nobyembre 2.

Sa dokumentong inihain ng kanyang depensa noong Oktubre 30, ipinaalam na si Duterte ay kakatawanin na lamang ng kanyang abogado sa pagdinig.

Noong Oktubre 29, pinayagan ng ICC Trial Chamber III ang kahilingan at inatasan ang depensa na isumite ang nilagdaang waiver.

Sa pamamagitan ng waiver, binigyan ni Duterte ng awtoridad ang kanyang legal team na humawak sa lahat ng usaping tatalakayin sa status conference at iba pang maaaring lumitaw sa pagdinig.

Nakatakdang idaos ang status conference bilang bahagi ng paghahanda para sa paglilitis ng kaso ni Duterte.

Hindi na siya personal na dadalo matapos aprubahan ng korte ang kanyang kahilingan na ma-exempt sa pagdalo.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with