BuCor, pinaghahanda ang mga bilangguan sa El Niño

MANILA, Philippines — Inatasan ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang lahat ng superintendent ng mga bilangguan at penal farm na maghanda ng contingency plan para sa inaasahang epekto ng El Niño.
Ayon sa BuCor, dapat masiguro ang tuluy-tuloy na serbisyo at mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga persons deprived of liberty (PDLs) at mga empleyado.
Kabilang sa paghahandaan ang kakulangan sa tubig, matinding init, pagkain, serbisyong medikal, sanitasyon at emergency response.
Pinag-uutos din ang pagtukoy sa mga PDL at kawani na mas madaling tamaan ng heat-related illnesses upang agad na mabigyan ng kaukulang tulong.
Kailangang isumite ng mga superintendent ang kanilang El Niño contingency plan sa Office of the Director General hanggang Nobyembre 2 bilang bahagi ng pinaigting na kahandaan ng ahensiya sa mga sakuna.
- Latest
















