^

Bansa

Gobyerno handa sa posibleng krisis, sakuna

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Gobyerno handa sa posibleng krisis, sakuna
Atty. Claire Castro
STAR / File

Military conflict, cyberattacks, malawakang brownout

MANILA, Philippines — Siniguro ng Malacañang na nakahanda ang pamahalaan sa anumang hindi inaasahang kaganapan na maaaring makaapekto sa bansa.

Ito ang sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro kasunod ng mga paghahandang isinasagawa ng ilang bansa tulad ng Estados Unidos, United Kingdom, Japan, at iba pang bansa sa Europa, kung saan hinihikayat ang kanilang mga mamamayan na mag-imbak ng sapat na suplay na maaaring tumagal nang hanggang tatlong araw.

Ayon kay Castro, nagsasagawa rin ang gobyerno ng iba’t ibang paghahanda upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sakaling magkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari tulad ng posibleng military conflict, cyberattacks, pananabotahe, mga ka­lamidad, at matagalang pagkawala ng supply ng kuryente.

Sinabi rin niya na kabilang sa mga hakbang ng mga ahensiya ng gob­yerno ang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño. Binigyang-diin ni Castro na hindi dapat ikabahala ng publiko ang mga ganitong hakbang dahil tungkulin ng pamahalaan na maagang maghanda at agad na kumilos para sa kapakanan ng mamamayan.

Dagdag pa niya, pinag­hahandaan na rin ng mga ahensiya ng gobyerno ang posibilidad ng malawakang brownout at iba pang sitwasyong maaaring makaapekto sa bansa.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with