Sari-saring armas, bala kuha sa raid
MANILA, Philippines - Umiskor ang mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos makasamsam ng sari-saring armas at bala sa ni-raid na arms cache sa magkakahiwalay na operasyon sa Butuan City, Lapaz, Agusan del Sur at North Cotabato kamakalawa.
Sinabi naman ni Region 13 CIDG Chief Supt. Bowenn Joey Masauding dakong alas-2 ng hapon ng salakayin ng CIDG operatives, Agusan del Sur Police at PNP Special Action Force base sa search warrants na inisyu ni Judge Hector Salise ng Bayugan City Regional Trial Court laban sa mga lugar na pinag-iimbakan ng mga armas at bala.
Kabilang sa mga nasamsam na mga baril ay dalawang cal. 45 pistol, isang AR-15 rifle, dalawang AK-47 rifle, dalawang M16 rifles, isang cal. 22 pistol at bulto ng mga bala sa bunkhouse na pag-aari ni Pedro Hernandez ng Brgy. Doongan, Butuan City.
Sumunod na sinalakay ang Hernandez at Tagleong Complex sa Brgy. Valentina, Lapaz, Agusan del Sur. Nakarekober ng isang M14 rifle, isang M16 rifle, dalawang carbine rifles, dalawang cal. 45 pistols, apat na rifle grenades, isang hand grenade, isang claymore mine at sari-saring mga bala na pag-aari naman ni Edchel Basister.
Sinalakay rin ng CIDG operatives sa North Cotabato ang tahanan ni Mawimo Bragat sa Brgy. Katipunan, Arakan at nakakumpiska ng isang Bragat cal. 45 pistol, dalawang homemade shotguns, isang cal. 22 rifle, 22 homemade firearms at mga bala.
Nitong Marso ay aabot na sa 42 mga baril, anim na mga eksplosibo habang 32 mga suspek ang nasakote sa anti-loose firearms campaign.
- Latest
- Trending



















