^

Bansa

75-anyos Pinay na missing, natagpuang patay sa Italy!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Matapos ang halos isang buwang paghaha­nap, natagpuang wala nang buhay ang isang 75-anyos na lolang Pinay sa Roma, Italy.

Sa report na nakara­ting sa Department of Fo­reign Affairs, natagpuan ng Italian Police ang naa­agnas na katawan ni Teodora “Doring” Dinglasan, ng Via Francesco Soave 15, Monte Mario zone, matapos mawala noong Pebrero 29.

Positibong kinilala si Dinglasan ng kanyang kaanak base sa narekober ng mga pulis na singsing at hikaw ng biktima na nagtungo sa lugar kung saan nakita ang katawan nito sa Via Duiseppe Allievo.

Dapat ay susunduin nito ang apo sa paaralan sa Montmario sa Rome noong Pebrero 29 subalit hindi na nakauwi pa si Dinglasan.

Nabatid lamang na nawawala ang lola nang tumawag ang guro ng apo dahil walang sumundo sa bata.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang sanhi ng pagkasawi ng matanda na ipinagtataka ng kaanak dahil natagpuan ito sa nasabing lugar.

vuukle comment

DAPAT

DEPARTMENT OF FO

DINGLASAN

INIIMBESTIGAHAN

ITALIAN POLICE

MATAPOS

MONTE MARIO

PEBRERO

VIA DUISEPPE ALLIEVO

VIA FRANCESCO SOAVE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with