^

Bansa

PNP-HPG, binalaan mga pulis sa paggamit ng mga impounded na sasakyan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa mga pulis laban sa paggamit ng mga impounded na sasakyan para sa pansariling kapakinabangan habang nasa kustodiya ng ahensya.

Kasunod ito ng pagdinig ng Se­nate Committee on Public Services tungkol sa umano’y paggamit ng ilang pulis sa mga nakumpiskang sasakyan sa halip na maibalik agad sa mga lehitimong may-ari.

Bilang tugon, nagsagawa ang PNP-HPG ng inspeksyon at imbentaryo sa mga sasakyang nakaimpound sa Laperal Compound sa Laguna noong Oktubre 30 upang matiyak ang kanilang kondisyon, dokumentasyon, at seguridad laban sa hindi awtorisadong paggamit o pagkuha ng mga piyesa.

Sa ilalim ng PNP Memorandum No. 2025-049, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga impounded na sasakyan para sa personal na interes, pati ang hindi awtorisadong pagkuha o pagpapalit ng mga piyesa at aksesorya nito. Ang mga lalabag ay maaaring managot sa administratibo at kriminal na kaso anuman ang kanilang ranggo o posisyon.

HPG

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with