^

Bansa

Big-time rollback sa LPG

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagpatupad ng higit sa P9 kada kilong rollback ng liquefied petroleum gas (LPG) ang malalaking kumpanya ng langis at mga miyembro ng LPG Marketer’s Association (LPGMA).

Alas-12:01 ng hatinggabi nang magbaba ng P9.50 kada kilo ng LPG o P104.50 kada 11-kilong tangke ang mga miyembro ng LPGMA.  Dahil sa bagong rollback, nasa P659.50 na lamang umano ang presyo ng mga itinitinda nilang LPG sa lokal na merkado. Una nang nagbaba ng P1 kada kilo ang LPGMA nitong nakaraang linggo.

Sumabay rin sa rollback ang Shell at Petron. Nasa P8.96 kada kilo o P98 kada tangke ng kanilang Shellane ang Shell habang P9.52 kada kilo o P105 naman kada tangke ng Gasul ang itinapyas ng Petron.

Nasa P5.32 rin ang ibinawas ng Petron sa kada litro ng auto LPG.

DAHIL

GASUL

KADA

KILO

LPG

LPGMA

NAGPATUPAD

PETRON

SHELLANE

SUMABAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with