^

Bansa

Philhealth members oobligahin sa generic drugs

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Sa halip na obligahin o pilitin ang malalaking drug manufacturers na ibaba ang presyo ng kanilang produktong medisina, nais na lamang ni Health Secretary Enrique Ona na gawing mandatory sa mga miyembro ng Philhealth ang paggamit  lamang ng generic drugs.

Ipinanukala ng kalihim na maaring hindi bayaran ng gobyerno ang Philhealth kung ang gamot na   binili ng  pasyente ay hindi generics.

Ipinaliwanag ni Ona na malaki ang papel ng Philhealth para ipabatid sa publiko na maraming pagpipilian na  gamot na  mas mura pero de kalidad din ang bisa tulad ng branded medicines.

Ayon sa kalihim, sa halip na pilitin ang mga drug manufacturer na babaan ang presyo ng kanilang mga medisina ay mas mainam  na ipatupad na lamang ang tinatawag na  market forces.

Ito’y kung saan oobligahin ang mga Philhealth member na generics medicine  lamang ang tangkilikin.

Aniya, dahil  malaki ang  partisipasyon ng PhilHealth sa pagbabayad ng bill  sa ospital at medisina ng mga pasyente kaya kailangan tiyakin na susundin ng mga mi­yembro nito ang naturang patakaran ng gobyerno.

ANIYA

AYON

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

IPINALIWANAG

IPINANUKALA

LAMANG

PHILHEALTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with