^

Bansa

Sen. Miriam pinagso-sorry

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Isang human rights group ang naghain kahapon ng reklamo laban kay senator-judge Miriam Defensor-Santiago sa Senate Committee on Ethics kung saan  bukod sa reklamo, nais din nilang magpalabas ng public apo­logy ang senadora dahil sa pagmumura at panenermon sa prosecution team ng House of Representatives.

Sa sulat na ipinadala sa komite ng grupong Born Free Coalition for Truth and Justice at Raphael Intelligence and Security Provider Inc., pinuna ng grupo ang diumano’y magaspang na ugali ng senadora.

Lumampas umano ang senadora sa “bounds of propriety, good manners, and right conduct in her public tirade as senator judge against the prosecution panel.”

Ayon kay Socorro Guatlo Jr., lider ng grupo, marapat lamang na magpalabas ng public apology si Santiago dahil sa inasal nito sa impeachment court noong sermunan nito ang prosecution team dahil sa pagbawi ng lima sa inihain nilang Articles of Impeachment laban kay impeached Chief Justice Renato Corona.

“We are demanding to the honorable judge Miriam Defensor Santiago to issue a public apology for and in behalf of the Filipino people,” sabi ni Guatlo  sa kanilang sulat.

Partikular na tinuloy ng grupo ang paggamit ng senadora  ng mga salitang “mga gago naman” (kayo) patungkol sa prosekusyon sa ika-26 na araw ng impeachment trial.

Isa rin umanong insult sa Integrated Bar of the Philippines ang ginawa ng senadora dahil karamihan sa mga senermunan nito ay mga abogado at mga miyembro ng House of Representatives.

Kaugnay nito, sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na ipinauubaya na niya ang reklamo sa komite ni Sen. Alan Peter Cayetano.

Sinabi pa ni Enrile na hindi siya maaaring magsalita para kay Santiago o maaari niyang kontrolin ang sinasabi nito sa impeachment court.

ALAN PETER CAYETANO

ARTICLES OF IMPEACHMENT

BORN FREE COALITION

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

RAPHAEL INTELLIGENCE AND SECURITY PROVIDER INC

SENATE COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with