^

Bansa

Bitak ng lupa sa Kanlaon 'di magiging ugat ng pagsabog ng bulkan - Phivolcs

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Walang dapat ipa­ngangamba ang publiko laluna ang mga residenteng nakatira sa paligid ng Kanlaon volcano sa Negros Occidental na sinasabing magdudulot ng pagsabog ang mga nakitang bitak ng lupa sa bunganga ng bulkan na epekto ng magnitude 6.9 lindol na tumama sa Negros island noong Pebrero 6.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), walang epekto ang mga bitak ng lupa sa bunga­nga ng bulkan para ito ay sumabog.

Sinasabing may nakitang  50-metrong haba ng bitak ng lupa sa bunganga ng bulkan at may maliliit ding bitak ng lupa sa ibang bahagi ng bulkan bukod pa sa naganap na landslide sa may Mt. Kanlaon Natural Park.

Kaugnay nito, ipinag­babawal muna ng Phivolcs ang pag-akyat sa bulkan ng mga mountaineers  sa naturang bulkan.

Ang Kanlaon volcano ay nasa pagitan ng Negros Occidental at Negros Oriental na siyang matinding tinamaan ng lindol na kumain ng maraming buhay at sumira sa mga kabahayan at mga establisimiento doon.

vuukle comment

ANG KANLAON

AYON

BULKAN

KANLAON

KAUGNAY

MT. KANLAON NATURAL PARK

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS ORIENTAL

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

PHIVOLCS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with