^

Bansa

3 akusasyon kay Corona binawi ng prosekusyon

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Binawi kahapon ng prosekusyon ang tatlo sa mga akusasyon nila laban kay impeached Chief Justice Renato Corona na nasa ilalim ng Article 3 ng Articles of Impeachment.

Ayon kay prosecutor Giorgidi Aggabao, hindi na nila isasama sa Article 3 ang kanilang mga alegasyon na nakapaloob sa paragraphs 3.4, 3.5 at 3.6 ng Article 3.

Pero nilinaw ni Aggabao na mananatili sa Article 3 ang akusasyon nila sa diumano’y “flip-fopping” o pabago-bago ng desisyon ng Supreme Court tungkol sa kaso ng Flight Attendants’ and Stewards’ Association of the Philippines (FASAP).

Nakasaad sa paragraph 3.4 ang diumano’y pagkakalagay ng posisyon ni Corona sa alanganin ng tanggapin ng asawa nitong si Cristina ang pagkakatalaga sa kaniya ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa board ng John Hay Management Corporation (JHMC) na pag-aari ng isang korporasyong kontrolado ng gobyerno.

Nakasaad naman sa 3.5 ang diumano’y kabiguan ni Corona na mapanatili ang mataas na standard ng hudikatura kaugnay sa naging pinal na desisyon sa Vizconde massacre case.

Bukod sa dalawang nabanggit, hindi na rin isasama ng prosekusyon ang paragraph 3.6 kung saan nakasaad na, ”respondent Corona with undue haste, impropriety and irregularity, dismissed the inter-petal recreational corporation case under suspicious circumstances”.

Matatandaan na ma­tinding sinabon kamakalawa ni Senate President Juan Ponce Enrile ang prosekusyon at hindi pinayagan ang pagpiprisinta ng testigo at ebidensiya sa Article 3 dahil sa kawalan umano ng kaugnayan sa kanilang mga akusasyon.

ARTICLES OF IMPEACHMENT

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

FLIGHT ATTENDANTS

GIORGIDI AGGABAO

JOHN HAY MANAGEMENT CORPORATION

NAKASAAD

PANGULONG GLORIA ARROYO

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with