Ina ni Grace 'biktima' ng mga usisero
MANILA, Philippines - Nakiusap si Pangulong Aquino sa mga ‘usisero’ na huwag idamay ang mga taong walang kinalaman sa pagiging malapit nila ngayon sa isa’t isa ni GMA 7 news-anchor na si Grace Lee.
Ikinuwento ni PNoy sa mga estudyanteng lumahok sa Pulong Bayan sa La Consolacion College-Manila na pati ang nanay ni Grace Lee na nagmamay-ari ng isang tindahan ay nagiging biktima na ngayon ng mga ‘usisero’.
Aniya, napilitan tuloy ang ina ng kanyang ‘apple of the eye’ na magkunwari na lamang na customer ng tindahan upang makaalis lamang ito at makaiwas sa mga ‘usisero’.
Aniya, sana ay huwag namang idamay ang mga taong walang kinalaman sa kanila ni Grace Lee.
Ibinida naman ni PNoy na ‘maayos’ naman ang takbo ng kanilang relasyon ni Ms. Lee.
- Latest
- Trending