^

Bansa

2 suspek sa US Navy slay, tiklo

- Danilo Garcia -

RIZAL ,Philippines  - Nadakip na ng pulisya ang dalawa sa apat na suspek sa pagbaril at pagpaslang sa isang 27-anyos na tauhan ng United States Navy sa bayan ng Binangonan, Rizal kamakalawa ng gabi sa bayan ng Angono, Rizal.

Sumasailaim na sa tactical interrogation ang dalawa sa apat na suspek na sina Akmad Sulayman, 29; at Anisah Abubakar, 29.

Ang dalawa ang isinasangkot sa pagpatay kay Cunnings Zalmunda noong Sabado ng gabi sa bahagi ng Champaca Street sa Brgy. San Carlos sa bayan ng Binangonan.

Sa ulat, nakabangga ni Cunnings ang mga suspek makaraang mag-dirty finger ang biktima sa mga suspek na nasa loob ng kotse sa naturang lugar. 

Dito nagalit ang apat na suspek na pinagtulungang barilin ang biktima. 

May lumutang naman na saksi sa krimen sa istasyon ng pulisya na positibong kumilala kina Sulayman at Abubakar kung saan  nasakote naman sa palengke sa bayan ng Angono.

Itinanggi naman ng dalawang suspek ang krimen kung saan sinampahan na ang mga ito ng kasong murder habang patuloy na tugis ang dalawa pang suspek.

vuukle comment

AKMAD SULAYMAN

ANGONO

ANISAH ABUBAKAR

BINANGONAN

CHAMPACA STREET

CUNNINGS ZALMUNDA

RIZAL

SAN CARLOS

SUSPEK

UNITED STATES NAVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with