^

Bansa

Garcia pinatalsik na sa PMAAAI

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Walong taon matapos akusahan ng pagkakasangkot sa multi-milyong ‘coruption scandal’ sa Armed Forces of the Phi­lippines (AFP), pinatalsik na ng organisasyon na binubuo ng mga nagsipagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) si dating AFP Comptrollership ret. Major Gen. Carlos Garcia.

Sinabi ni Brig. Gen. Remy Tigulo, Chairman ng PMA Alumni Asso­ciation Inc. (PMAAAI) ang conviction ni Garcia ng PMA Class 1971 sa Ge­neral Court Martial ay ina­prubahan na ni Pangu­long Aquino noong Set­yembre  2011 at nagsilbing basehan ng pagtitiwalag nila dito.

Sa pinakahuling isyu kahapon ng Cavalier, ang opisyal na publikasyon ng PMAAAI, ang pagpapatalsik nila kay Garcia ay alinsunod sa patakaran ng asosasyon sa mga mi­yembro nito na dapat ay mapanatili ang malinis na pangalan at hindi masangkot sa anumang uri ng katiwalian lalo na sa korapsyon.

Nagsumite ng reso­lusyon ang PMAAAI sa pinakahuling pagpupulong nito kamakailan at isinapinal ang pagpapatalsik kay Garcia kaugnay ng “acts inimical to the interest of the PMA and the PMAAAI.”

Si Garcia ay convicted sa paglabag sa GCM kaugnay ng paglabag sa Articles of War (AW) 96 conduct unbecoming an officer and a gentleman at AW 97 conduct prejudicial to good order and military discipline.

Nahatulan ito dahil sa hindi tamang pagdedek­lara ng Statement of Asset and Liabilities and Networth (SALN) noong 2003.

Si Garcia ay napatunayan ring guilty sa pag­lilitis ng Sandiganbayan sa pandarambong sa mahi­git P300 M pondo ng AFP sa panahon ng panunungkulan nito sa AFP Comptrollership. Nadiskubre ito noong 2004 matapos mahulihan ang dalawang anak nitong lalaki ng $100,000 sa paliparan ng Estados Unidos.

Inaprubahan naman ni PNoy ang rekomendasyon kaya dinakip muli si Garcia at ngayo’y kasalukuyang nakapiit sa National Bilibid Prisons.

vuukle comment

ALUMNI ASSO

ARMED FORCES OF THE PHI

ARTICLES OF WAR

CARLOS GARCIA

COURT MARTIAL

ESTADOS UNIDOS

GARCIA

SHY

SI GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with