^

Bansa

OFW sa maleta, documented! - OWWA

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na “documented” ang OFW na isinilid sa maleta at natagpuan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Centennial 2 pay parking area noong Enero 11.

Ayon kay Rey Tayag, OWWA information officer, nasa listahan ng mga miyembro ng OWWA si Nidzailyn Jumahadi Bahjin, 22-anyos, tubong Patikul, Sulu at entitled siya sa lahat ng benepisyo na nakalaan sa mga mi­yembro at kanilang pamilya

Sa panayam kay Tayag, inihahanda na nila ang P220,000 halaga ng tseke para sa pamilya ni Bahjin, P200,000 dito ang insurance at P20,000 para sa burial expenses nito

Sa rekord ng OWWA, si Bahjin ay umalis sa bansa noong lamang Oktubre 6, 2011 patungong Bahrain at nagtrabaho bilang kasambahay.

Una nang sinabi ng ama ng biktima na si Nidzmar Bahjin na inasahan nilang darating ang biktima sa Manila mula Manama, Bahrain dakong alas-4 ng hapon noong Martes sakay ng Gulf Air flight-GF156 subalit hindi na nila naantay ito hanggang sa umabot ang balita na siya ang nakasilid sa maleta.

Karaniwang umaabot sa dalawang taon ang kontrata ng isang kasambahay bago siya bumalik sa Pilipinas subalit ilang buwan lamang ang biktima ay umuwi na ito na hinihinalang nagkaroon ng problema at minamaltrato ng kanyang employer.  

AYON

BAHJIN

BAHRAIN

ENERO

GULF AIR

NIDZAILYN JUMAHADI BAHJIN

NIDZMAR BAHJIN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

REY TAYAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with