"Diyos, isapuso buong taon"- CBCP President
MANILA, Philippines - Hindi lamang tuwing Pasko dapat na isinasagawa ang aral ng Diyos kundi sa buong taon.
Ito naman ang payo ni Catholic Bishops Conference of the Philippines president at Cebu Archbishop Jose Palma kung saan dapat na isaalang-alang ng bawat isa ang sakripisyo ni Jesus upang mas maging masagana at puno ng pagmamahalan ang tao.
Sa kanyang Christmas Day message, sinabi ni Palma na dapat gunitain ng mga Katoliko ang pagsilang ni Jesus kung kaya’t nagbubunyi ang buong mundo.
Giit ni Palma, hindi lamang dapat na tuwing sasapit ng Pasko pinakikita ang pagtutulungan at pagmamahalan kundi buong taon.
Dapat umanong bigyang halaga ng bawat isa ang pagsilang ng Diyos at gawing dahilan upang patuloy na maging mabuting mamamayan at walang sawang tumutulong sa mga nangangailangan.
- Latest
- Trending






















