^

Bansa

Ban sa OFWs sa Nigeria aalisin na ng DFA!

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Inirekomenda na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang lifting o pagtatanggal ng ban sa pagpapadala ng mga overseas Filipino workers sa Nigeria.

Sa liham na ipinadala ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rodario kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, hiniling nito na epek­tibo sa Enero 1, 2012 ay maibalik na sa normal ang deployment ng manggagawang Pinoy sa Nigeria dahil na rin sa gumagandang sitwasyon sa Niger Delta.

Ayon kay del Rosario, sa ginawang pag-aaral ng DFA ay wala nang tensyon at nasa maayos na ang overall situation sa Nigeria. 

“We have reviewed the overall security situation in Nigeria and have concluded that the insurgency in the Niger Delta has been properly addressed,” ani del Rosario sa liham kay Baldoz.

Bukod dito, tiniyak ni del Rosario na magiging ligtas na ang mga OFWs sa muling pagtungo at pagtatrabaho sa Nigeria dahil wala na ring insidente ng pagdukot o kidnappings.

“No more kidnapping incidents have occurred and Nigeria has become a vibrant democracy with a thriving economy. According to our ambassador in Nigeria, 5,000 jobs in the oil, gas and construction industries awaiting our OFWs in Nigeria,” ani del Rosario.

Ang deployment ban sa mga Pinoy sa Nigeria ay ipinatupad matapos ang magkakasunod na pagdukot sa mga tripulanteng Pinoy noong 2006 at 2009.

Sa tala ng DFA, may 7,240 Filipinos ang nasa Nigeria na karamihan ay mga professio­nals at nakapag-asawa ng mga Nigerians. Marami sa kanila ang nagpahayag na dapat ay maalis na ang deployment ban sa nasabing bansa.

Sa pakikipagpulong ni Ambassador Padalhin sa Nigerian officials, nabatid nito na malaki ang demand o pangangailangan ng Nigeria sa mga skilled Filipino workers para sa Nigerian industries.

AMBASSADOR PADALHIN

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

NIGER DELTA

NIGERIA

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with