^

Bansa

1 patay, 7 sugatan sa road mishap

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kamatayan sa Kapas­kuhan ang sumalubong sa isang 43-anyos na misis habang pitong iba pa ang nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa national highway sa Sitio Tacan, Brgy. Ibo sa Lapu-Lapu City, Cebu kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang si Venciolita Maglasang na lulan ng pampasaherong jeepney na bumaligtad nang salpukin ng taxi at  Toyota Innova.

Sa ulat ng pulisya, lima sa mga nasugatan ay pasahero ng jeepney na sina John Louie Cellon, 19; Ralph John Docusin, 20; Roy Jessie Trepacios, 19; Jerwin Maglasang, 7; at si Novemae Maglasang, 9 at ang driver na si Lantie Lagangga, 31, pawang isinugod sa Lapu-Lapu City District Hospital.

Sugatan din ang driver ng Innova na si Angelito Labor, 44, ng Sitio Angasil. Lumilitaw­ na bumabag­tas sa kahabaan ng Mactan Export Zone sa Brgy. Buaya ang taxi cab nang mag-overtake ito sa sasakyan kung saan nasalpok ang ka­salubong na jeepney.

Bumangga rin sa paparating na Innova­ ang jeepney. Sa nasabing insi­dente ay tumakas naman ang driver ng taxi na kasalukuyang pinaghaha­nap ng pulisya.

vuukle comment

ANGELITO LABOR

BRGY

INNOVA

JERWIN MAGLASANG

JOHN LOUIE CELLON

LANTIE LAGANGGA

LAPU-LAPU CITY

LAPU-LAPU CITY DISTRICT HOSPITAL

MACTAN EXPORT ZONE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with