^

Bansa

Party-list solon sinibak!

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Tinanggal ang isang party-list Congressman matapos itong alisin sa kanyang kinabibilangang organisasyon.

Base sa liham na may petsang Disyembre 15 ni Ating Koop Secretary General Romeo Candazo kay House Speaker Feli­ciano Belmonte, ipinagbigay alam nito na napagdesisyunan ng central committee ng kanilang grupo na tanggalin si Ating Koop party List Rep. Isidro Lico.

Itinalaga din bilang kapalit ni Lico si Roberto Mascarina, ikalawang no­minado ng organisasyon.

Si Lico ay tinanggal sa partylist organization dahil sa hindi umano pag­sunod sa napagkasunduang term-sharing kay Mascarina at kabiguan na sumunod sa naging desisyon ng central committee na nag-aatas sa kanya na sumunod sa naturang kasunduan.

Isang kopya ng “irrevocable” letter of resignation ni Lico ang iprinisinta ng organisasyon.

Sa halip na sumunod sa desisyon na nilagdaan noong November 21 ng siyam sa 11 miyembro ng central committee, nagtungo umano si Lico sa Comelec para imporma­han ang komisyon na hindi niya kinikilala ang term sharing agreement.

“Under the term sha­ring agreement, his acts amount to dislo­ yalty which is a ground for expulsion from the party. Under the party-list law, the same ground is basis for withdrawing a nominee from Congress,” ayon kay Candazo.

Kasalukuyang iniim­bestigahan din umano si Lico ng Ombudsman dahil sa paggamit umano ng bahagi sa Ating Koop’s congressional allocation para pondohan ang pagpapa­gawa ng isang private resort.

ATING KOOP

ATING KOOP SECRETARY GENERAL ROMEO CANDAZO

BELMONTE

HOUSE SPEAKER FELI

ISIDRO LIC

LICO

LIST REP

ROBERTO MASCARINA

SHY

SI LICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with