^

Bansa

Presyo ng tinapay hindi tataas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tiniyak ng mga negosyante ng arina sa bansa na hindi aakyat ang presyo ng kanilang produkto ngayong buong Disyembre kaya makatitiyak na mananatili ang presyo ng tinapay sa pagpasok ng Noche Buena.

Sinabi ni Philippine Association of Flour Millers executive director Ric Pinca na walang paggalaw sa presyo ng arina na kanilang inaangkat at wala silang nakikitang indikasyon na aakyat ang presyo nito sa mga susunod na linggo.

Ngunit sinabi ni Pinca na dapat tiyakin rin ng Department of Trade and Industry (DTI) na mapanatiling mababa ang presyo ng ibang sangkap ng tinapay upang mapanatili ang mababang presyo nito.

Bumaba na sa halagang $8 ang kada kaban ng trigo ngayong taon ngunit doble pa rin umano ito sa $4 kada kaban na presyo noong 2010.

Bagama’t ang Pilipinas ay bansang hindi panguna­hing pagkain sa hapag ang tinapay, marami pa rin sa mga nagno-noche Buena ang naghahain ng “tasty bread” bilang bahagi ng kanilang handa.

vuukle comment

BAGAMA

BUENA

BUMABA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DISYEMBRE

NGUNIT

NOCHE BUENA

PHILIPPINE ASSOCIATION OF FLOUR MILLERS

PRESYO

RIC PINCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with