^

Bansa

Magbababoy umalma sa meat importers

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines -  Patuloy umanong “bi­nababoy” ang mga nag-aalaga ng baboy sa bansa bunsod ng matinding pagkalugi.

Ito ang inihayag kahapon ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Partylist Rep. Nicanor “Nick” Briones sa isang media forum sa Maynila.

Ayon kay Rep. Briones, walang katotoha­nan ang pahayag nina Jess Cham, meat importer at Francisco Buen­ camino, meat processor na kukulangin ng karne ng baboy sa bansa sa darating na araw ng Pasko kaya kailangan ng umanong umangkat sa ibang bansa.

Ayon sa mambabatas, sobra-sobra ang supply sa merkado at hindi kailangan na mag-import sa ibang bansa.

Bunsod nito, umaapila si Briones kay Agriculture Sec. Proseso Alcala na huwag bigyan ng import permit ang grupo nina Cham at Buencamino dahil lalong malulugmok sa pagkalugi ang mga magbababoy sa bansa.

Sa ngayon ay nasa P85-P89 na lamang ang farm gate price ng baboy mula sa dating presyo na P115 per kilo.

Aniya, may kabuuang P1,000 kada isang baboy ang nalulugi sa ngayon sa mga magbababoy o mahigit pa sa isang bil­yon kada buwan na lugi.

Tiniyak ni Rep. Briones, hindi kakapusin ng karne ng baboy at manok sa bansa sa darating na Pasko at Bagong Taon.

AGRICULTURAL SECTOR ALLIANCE OF THE PHILIPPINES

AGRICULTURE SEC

AYON

BAGONG TAON

BRIONES

FRANCISCO BUEN

JESS CHAM

PARTYLIST REP

PASKO

PROSESO ALCALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with