'Walang long weekend'
MANILA, Philippines - Pinal na ang desisyon ni Pangulong Aquino na walang magaganap na long weekend sa susunod na linggo dahil mananatiling ipagdiriwang ang Bonifacio Day sa November 30 at hindi ito ililipat ng araw.
Ito ang binigyang-diin kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte upang malinawan ang taumbayan kung ililipat ba ng araw ng Pangulo ang pagdiriwang ng ika-148 na kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio sa Nov. 30 para magkaroon muli ng long weekend.
“According to Proclamation 84, series of 2010, Bonifacio Day will be marked on November 30, on a Wednesday, as the date falls. There will be no moving it to Monday,” wika ni Valte.
- Latest
- Trending