Global manhunt na vs Ramona
MANILA, Philippines - Naglunsad na ng ‘global manhunt’ ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Ramona “Mara” Bautista, isa sa mga pangunahing suspect sa brutal na pagpatay sa kapatid nitong si Ramgen noong Oktubre 28 sa Parañaque City.
Nabatid kay NBI Director Magtanggol Gatdula sa ambush interview ng PNP Press Corps sa ginanap na opening ceremony ng Defense & Sporting Arms Show Part 2 sa Mandaluyong City kahapon, nakipag-ugnayan na ang NBI sa lahat ng investigation agencies sa 188 bansa para sa anumang impormasyon sa posibleng kinaroroonan ni Ramona na tumakas sa bansa noong Nobyembre 4.
Noong Martes ay kinumpirma ng Interpol Ankara sa NBI na dumating sa Turkey si Ramona noong Nobyembre 5 pero lumisan patungo sa Eurasian anim na oras matapos itong dumating.
Si Ramona ay kasal sa isang Turkish national na si Engin Tuna Bulbuloglu na nauna nang nagsabi na ‘untouchable’ ang kaniyang misis sa Turkey kaya hindi ito maaring arestuhin.
- Latest
- Trending
















