^

Bansa

Pagpatay kay Ramgen alam ng pamilya

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Idinawit ng isa sa hinihinalang gunman ang buong pamilya Bautista na alam umano ang planong pagpaslang kay Ramgen Revilla noong Oktubre 28.

Sa sinumpaang-sa­lay­­say ni Michael Jay Nartea, 33, sa Parañaque City Prosecutor’s Office, sinabi umano sa kanya ng nag-recruit sa kanila na si alyas Bryan na wala silang dapat alalahanin dahil alam umano ng buong pamilya Bautista ang planong paglikida nila kay Ramgen at tutulungan pa silang makalabas ng bansa matapos ang krimen.

Nabatid na orihinal na ni-recruit ni Bryan ang ama ni Michael na si Mario ngunit siya ang ipinalit nang umatras ito. Iginiit ni Nartea na wala siyang alam sa krimen at basta na lamang isinama ni Bryan at Roy Francis Tolisora kasama umano si Ramon Joseph Bautista noong Oktubre 11 sakay ng isang Mitsubishi Montero at dumiretso sa bahay nito sa BF Homes subdivision.

Tinangka umano nilang paslangin ni Tolisora si Ramgen sa loob ng bahay nito ngunit hindi na­tuloy nang kabahan sila nang makita ang larawan ni dating Senador Ramon Revilla Sr. Nang makabalik sa kanilang bahay, isinangla umano nila ni Tolisora ang kalibre .45 baril na ibinigay sa kanila dahil wala na silang pera na tinubos naman ni Bryan­ nang gabing iyon.

Nagpakita pa umano sa kanila ng paper bag na puno ng pera na nagkakahalaga umano ng P200,000 na ipambaba­yad sa kanila kapag na­isagawa ang pagpatay kay Ramgen. Tinanong naman niya si Bryan kung hindi delikado ang kanilang gagawin dahil sa malaking tao ang kanilang babanggain.

Sinagot naman siya ni Byran na “Huwag kayo mag-alala wala na ka­yong intindihin dito dahil lahat ng tao sa bahay alam nila na itutumba si Ramgen, ang nanay niya mga kapatid, lolo Amang, mga katulong at driver. Isa lang ang kalaban natin yung PA ni Ramgen may nagbibigay sa akin ng info kung ano ang schedule at lakad ni Ramgen. Napapahiya na ako sa boss ko”.

Muli umano nilang tinangkang paslangin si Ramgen gabi rin ng Oktubre 11 pero hindi natuloy.

BAUTISTA

CITY PROSECUTOR

MICHAEL JAY NARTEA

MITSUBISHI MONTERO

OKTUBRE

RAMGEN

RAMGEN REVILLA

RAMON JOSEPH BAUTISTA

SHY

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with