Arraignment kina Mikey, misis sa 2012 na
MANILA, Philippines - Sa Enero 2012 na ang pagbasa ng sakdal kina Ang Galing Pinoy Partylist Rep. Mikey Arroyo at kanyang misis na si Angela kaugnay ng kasong tax evasion ng mga ito.
Takdang basahan sana kahapon ng sakdal ang mag-asawa sa sala ni QC Regional Trial Branch 100 Presiding Judge Marie Christine Jacob pero nagsampa ang mga ito ng mosyon para maipagpaliban ang pagbusisi sa kaso na pinagbigyan naman ng korte.
Hiniling ni Arroyo sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Ruy Rondain na ipagpaliban muna ang arraigment sa kanilang mag-asawa at payagan sila na makapunta sa US mula Nobyembre 14 hanggang Disyembre 7, 2011 para sa isang semi-official business.
- Latest
- Trending