^

Bansa

2 sementeryo sa Maynila patuloy pang dinadagsa

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Iniutos kahapon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim sa lahat ng concerned city government units na ituloy pa hanggang Nobyembre 3 ang pagtatalaga ng personnel sa Manila North at South Cemeteries dahil sa na-monitor na halos daang libo pang tao ang dumagsa kahapon na bumisita sa kanilang namayapang mahal sa buhay.

Sa direktiba ni Lim kay Eddie Noriega, director ng Manila North Cemetery at Henry Dy ng Manila South Cemetery, tiyakin lamang na may sapat na medical, police at traffic personnel na aasiste sa mga taong nagtutungo sa semen­teryo, na hindi pa natapos sa kabila ng mahabang weekend.

Bandang alas 2-ng hapon kahapon, nasa 85-libo na ang nagtungo sa araw na iyon sa Manila North Cemetery.

Samantala, umabot na sa 200 hakot ng truck ng basura ang nakolekta sa dalawang nabanggit na sementeryo hanggang kahapon habang nasa 50 hakot na ng truck ang nakolekta sa Chinese Ceme­tery na kalapit lamang ng Manila North Cemetery.

Inaasahang hanggang sa Nobyembre 4, ay hindi pa rin mauubos ang dami ng tambak na basurang hahakutin ng department of public services (DPS) na pinamumunuan ni retired Col. Carlos Baltazar.

CARLOS BALTAZAR

CHINESE CEME

EDDIE NORIEGA

HENRY DY

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA NORTH

MANILA NORTH CEMETERY

MANILA SOUTH CEMETERY

NOBYEMBRE

SOUTH CEMETERIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with