^

Bansa

Mag-asawang Ligot nagpiyansa

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nagpiyansa na kahapon si dating military comptroller Jacinto Ligot at kanyang asawang si Erlinda ng halagang P160,000 para sa apat na bilang ng kasong tax evasion sa Court of Tax Appeals (CTA).

Lumantad ang mag-asawang Ligot matapos ang ilang araw na pagtatago sa batas bunsod ng pagpapaaresto sa kanila matapos na makitang may sapat na batayan o pro­bable cause para idiin ang mga ito sa paglabag sa National Internal Revenue Code dahil sa tangkang iwasan na magbayad ng tamang buwis sa pamahalaan para sa taong 2002 hanggang  2004.

Niliwanag naman ni Atty.  Emiliano Bantog, abogado ng mga Ligot, na ang kanyang mga kli­yente ay hindi nagtatago sa batas dahil nalaman lamang ng mga ito na sila ay pinaaaresto noong nakaraang Biyernes dahil sa media.

Si Justice Secretary Leila de Lima ang nag-utos na hulihin ang mag-asawang Ligot makaraang magpalabas ng arrest order ang CTA noong nakaraang linggo kaugnay ng pag­kabigo ng mga ito na ireport ang kanilang income tax return para sa taong 2003 at ibang kita na may hala­gang  P87,918,732.36 (Mr. Ligot) at P77,449,052.03 (Mrs. Ligot), o may kabuuang P165 milyon.

Niliwanag din ni Bantog na hindi na kailangang magpalabas pa ng kautusan ang Department of Justice para hadlangan na makalabas ng bansa ang mag-asawa dahil ang mga ito ay lumantad na at handang harapin ang kaso sa bansa.

COURT OF TAX APPEALS

DEPARTMENT OF JUSTICE

EMILIANO BANTOG

JACINTO LIGOT

LIGOT

MR. LIGOT

MRS. LIGOT

NATIONAL INTERNAL REVENUE CODE

NILIWANAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with