^

Bansa

PALEA, PAL management dapat maging mahinahon - Malacañang

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Ikinalungkot ng Ma­lacañang ang naganap na karahasan sa piketlayn ng nagwewelgang miyembro ng PALEA kung saan ay 7 miyembro nito ang nasu­gatan noong Oct. 29.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, patuloy na binabantayan ng Palasyo ang sitwasyon sa pamamamagitan ni Labor Sec. Erlinda Baldoz.

Pinayuhan din ng Palasyo ang PAL management at PALEA na manatiling mahinahon at resolbahin ang kanilang sigalot sa pamamagitan ng pag-uusap upang maiwasan ang karahasan.

Inakusahan ng PALEA na mga gwardya ng PAL management ang sumugod sa kanilang picket line pero mariing itinanggi naman ito ng management ng flag carrier.

Inaasahan naman ng Palasyo na magsasagawa ng parehas at walang kinikilingang imbestigasyon ang DOLE sa naganap na karahasan sa piketlayn ng mga PALEA members.

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ABIGAIL VALTE

ERLINDA BALDOZ

IKINALUNGKOT

INAASAHAN

INAKUSAHAN

LABOR SEC

PALASYO

PALEA

PINAYUHAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with