^

Bansa

Barker itinumba sa terminal

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Agad na nasawi ang isang barker nang tagain sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Halos mabiyak ang bungo ng biktimang nakilalang si Francisco Daya Jr., 33, ng P. Villanueva St., ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, nagtatawag ng pasahero sa isang illegal terminal ng jeep sa kanto ng EDSA at Park Avenue si Daya dakong alas-2 ng hapon nang lapitan ng isang lalaki at biglang tagain sa ulo.

Nahihirapan naman ang pulisya na makilala ang salarin dahil sa wala silang makuhang saksi na nais tumestigo sa takot­ na madamay sila sa krimen.

May hinala naman ang pulisya na posibleng may kinalaman sa trabaho bilang barker ang biktima dahil may ilang grupo umano na huma­hawak sa mga illegal terminal ng pampublikong sasakyan sa Pasay City na humihingi ng tong o lagay.

vuukle comment

CITY

DAYA

FRANCISCO DAYA JR.

ISANG

NAHIHIRAPAN

PARK AVENUE

PASAY

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

VILLANUEVA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with