^

Bansa

Malls dapat magkaroon ng sariling ambulansiya

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Sa gitna ng sunud-sunod na trahedyang nangyari sa loob mismo ng ilang malls sa bansa, iginiit ng ilang senador na dapat na silang magkaroon ng sari­ling ambulansiya.

Ayon kay Senator Gregorio “Gringo” Honasan, dapat ay may sariling ambulansiya ang mga malls upang maisugod kaagad sa pinakamalapit na ospital ang sinumang maaaksidente sa kanilang establisimyento.

“I agree. Kaya namang mag-provide ng mga ambulansiya ng mga malls,” sabi ni Honasan.

Maging sina Senators Ramon Bong Revilla Jr., at Jose “Jinggoy” Estrada ay pabor na maging compulsary sa mga malls ang pagkakaroon ng sariling ambulansiya.

Sinabi ni Revilla na malaki naman ang kita ng mga malls at kayang-kaya na nilang bumili ng sariling ambulansiya.

Inihayag naman ni Estrada na sunud-sunod na insidente ng pata­yang nangyayari sa loob ng mga malls, dapat ay may nakahandang ambulansiya upang maisugod kaagad sa ospital ang mga biktima.

Matatandaan na ku­malat sa internet ang vi­deo ng dalawang teen-agers na ang isa ay binaril at ang isa ay nag-suicide sa loob ng isang mall sa Pampanga kung saan buhay pa ang mga ito at gumagalaw pero hindi kaagad dinala sa ospital.

Bukod sa mga napaulat na patayan at nag-suicide sa loob ng malls, may mga jewelry stores din sa loob nito ang pinapasok ng “martilyo gangs” kung saan nagkakaroon ng barilan at may mga namamasyal na nadadamay.

AMBULANSIYA

AYON

BUKOD

HONASAN

INIHAYAG

JINGGOY

MALLS

SENATOR GREGORIO

SENATORS RAMON BONG REVILLA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with