Sen. Bato hinamon maglabas ng ebidensya na mali resulta ng drug war probe
MANILA, Philippines — Hinamon ni dating vice presidential spokesman Barry Gutierrez si Senador Ronald dela Rosa na maglabas ng ebidensya para pasinungalingan ang resulta ng imbestigasyon ng House Quad Committee na na cover up lamang ng grand criminal enterprise ang anti drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Gutierrez, tama ang panawagan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop na huwag daanin ni Dela Rosa sa drama o “emotional outbursts at theatrics” ang isyu.
“Tama naman. Ebidensiya hindi drama,” pahayag ni Gutierrez.
“This has always been Dela Rosa’s gimmick: kapag nasingil, dadaanin bigla sa palabas at iyak-iyak. It’s high time someone called him out on it,” dagdag ni Gutierrez.
Una nang hinamon ni Dela Rosa si Acop na humarap sa altar para patunayan kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.
Pero ayon kay Acop, walang basehan ang mga akusasyon ni dela Rosa.
Binatikos din ni Acop ang pag-uugali ni Dela Rosa. Si Acop ay miyembro ng upper class ni Dela Rosa sa Philippine Military Academy (PMA).
Miyembro si Acop ng PMA’s 1970 Magiting class, habang si Dela Rosa ay miyembro ng 1986 Sinagtala class.
- Latest