^

Bansa

Mga ‘di nagbigay ng 13th month pay mananagot sa batas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mananagot sa batas ang mga employers na nakalimot magbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado bago ang itinakdang deadline na Disyembre 24 bawat taon.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, hindi lang legal na obligasyon kundi moral na katungkulan ng mga employers ang pagbibigay ng 13th month pay sa tamang oras.

“It is not only a legal obligation but a moral duty of employers to provide for the timely payment of the 13th month pay to their employees by the deadline set by law, which is today, December 24. As a moral obligation, our workforce deserves ­recognition for their hard work and dedication to their jobs,” ani Estrada sa ipinalabas na statement noong Disyembre 24.

Nasa batas aniya ang pagbibigay ng 13th month pay at may nakatakdang parusa sa mga hindi susunod.

“Malinaw na karapatan nilang makatanggap nito sa ilalim ng Presidential Decree No. 851.Not ­adhering to this requirement could lead to significant legal repercussions, such as administrative ­penalties or criminal charges,” ani Estrada.

Dapat aniyang suportahan ng mga employers ang “well-being” ng kanilang mga empleyado ngayong holiday season.

EMPLOYERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with